
Related Links
Mission and Government
Organization
The Mayor
The Vice Mayor
Representatives
The City Council
City Ordinances
Barangays
City Hall Departments
Project and Programs
Youth and Sports
Awards and Recognitions
Services
Health

Recent News
![]() |
Towards service improvement. |
![]() |
Ipil site sports tourney held. |
![]() |
Hearing out constituents. |
![]() |
LCP meeting held. |
![]() |
Solaire Manila groundbreaking held. |

Recent Projects

Recent Jobs
![]() |
Teleperformance… Call Center Job Fair!!! |
![]() |
Teleperformance… HIRING!!! Parañaque… |
![]() |
Parañaque Holds Job Fair Brgy. Sun Valley |
![]() |
Direct Hiring |
![]() |
Parañaque to Hold 18th Job Fair |

Health
Ang baha (flood) ay maaring maging sanhi ng mga sumusunod sakit:
1)Mga sakit na dulot ng pag-inom o paggamit ng marumi o kontaminadong tubig:
a) Typhoid Fever (Tipus)
b) Cholera
c) Leptospirosis
d) Hepatitis A
Tumataas din ang bilang ng mga nagkakaroon ng:
a) Sakit sa balat (Skin diseases)
b) Sore eyes
c) Impeksyon sa tainga
d) Sipon at ubo
*MGA PAMAMARAAN UPANG MAIWASAN ANG SAKIT NA ITO, PATI NA MGA SAKUNA
> Pakuluan ang inuming tubig ng 5 hanggang 10 minuto mula sa pagkulo o sa loob ng 20 minuto mula sa pagkasalang nito.
> Ang tubig na panghugas o panlinis ay maaring haluan ng chlorox ( 2 kutsarita ng cholox sa bawat 5 gallon ng tubig panghugas)
> Huwag lumusong sa baha. Kung hindi mai- iwasan o sadyang kailangangang lumusong,
a) Suriin kung ligtas ang kapaligiran (hindi malalim ang tubig-baha; hindi malakas ang agos (water current); walang pagot na kable ng kuryente; nakatitiyak kang walang"open manhole" at iba pang panganib.
b) Gumamit ng bota (rubber boots)
c) Sabunin ang bahagi ng katawan nabasa ng tubig-baha.
d) Maghugas din ng kamay bago magluto, kumain at matapos umihi o dumumi.
e) Agad magsadya sa inyong health center kung nasugatan ng anumang matalas o matulis na bagay na dala ng baha upang mabigyan ng bakuna laban sa tetano (tetanus).
f) Huwag hipuin ang mata, ilong at tainga
2) Mga sakit na dala ng insekto (lamok) tulad ng Dengue at Malaria
*MGA PAMAMARAAN UPANG MAIWASAN ANG DENGUE AT MALARIA:
> Itapon (ipagbili kung puwede) ang mga lata at plastic cups na maaring pamugaran ng lamok
> Itaob/Isauli sa tindahan ang mga basyong bote
> Linisin ang kanal at iba pang daluyan ng tubig
> Huwag gumamit ng gulong bilang pamatong sa bubong
> Laging takpan ang timba at dram ng tubig
> Magsuot ng pajamas o long pants
> Magpalagay ng "screen" sa bintana at pinto
> Gumamit ng kulambo (mosquito net)
> Gumamit din ng "mosquito repellent lotion"
*IBA PANG DAPAT GAWIN (BAGO DUMATING ANG BAGYO; HABANG NAGAGANAP ITO; MATAPOS MAGANAP)
> Ilista/ilagay sa "phonebook" ng inyong cellular phone ang mga "emergency numbers" - Inyong pamahalaang barangay - P'que Disaster Coordinating Council/Radio Room 826-6287 at 829-0922 -P'que Elite Rescue Unit (P.E.R.U.)/City Health Office 923-2499; 826-8195; 829-9322 -Bu. of Fire Protection 829-2076; at 826-9131
> Ugaliing makinig sa mga pag-uulat ukol sa panahon at "updates" sa bagyo
> Maghanda ng reserbang baterya para sa tran- sistor radio at flashlight; kandila at posporo
> Maglagay ng mga damit, mga"ready-to-eat food" at gamot sa bag na madadala sa paglikas
> Lumikas sa evacuation center kung kailangan Isang paalala mula sa Pamahalaang Lungsod ng Parañaque sa pamumuno ni
HON. CITY MAYOR FLORENCIO M. BERNABE, JR.
Hatid ng City Health Office
sa pakikipagtulungan ng Public Information Office
